BNFM BICOL—Nananatiling ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong Bicol region batay sa pinakahuling datus na ibinaba ng Department of Health.
Sa kasalukuyan, nasa 500 pa rin ang death toll ng sakit sa nasabing probinsya habang sinusundan naman ito ng Sorsogon na may 468.
Ang lalawigan ng Albay ay mayroong 446; 224 sa Naga City; may 203 ang Camarines Norte; 116 sa Catanduanes; may 87 ang Legazpi City habang pinakamababa naman ang COVID death toll sa Masbate na mayroong 74 lamang.
Dahil dito, sumampa na sa 3.61% ang case fatality rate ng rehiyon habang sa kabuuan ay umabot na sa 2,123 ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Bicol.###