SPAIN– Kinilala ng Guinness Book of World Records ang isang non-profit organization mula sa Spain na nakagawa ng 3,000 piraso ng origami pigs.
Ang kaganapan ay inorganisa ng Inter-Organization na kumakatawan sa lahat ng sektor ng Spanish Pork Supply Chain.
Nasa 19 na mga lungsod sa naturang bansa ang nagtulong-tulong sa paggawa ng origami na hugis baboy kung saan umabot sa 6,500 ang bilang ng mga nagawa ngunit batay sa validation ng Guinness, tanging 3,000 sa mga ito ang nagawa ng tama.
Umabot sa 10 boards ang pinagdikitan ng mga nilikhang origami na siyang ipinakita sa publiko sa pamamagitan ng live broadcast.
Ang naturang aktibidad ay ginawa upang maipakita ang kahalagahan ng ‘white pork industry’ sa naturang bansa dahil ang Spain ang pumapangalawa sa mga bansang highest exporter ng karneng baboy sa mundo.### CARL ANGELO SARZA, Intern