Camarines Sur nakapagtala ng 206 dengue cases; Naga City pinakamaraming naitala sa lalawigan

NAGA CITY- 206 nag naitalang Dengue cases sa Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Oktubre 9, 2021 base sa tala ng Department of Health sa lalawigan na nakuha ng Brigada News FM Naga.

Sa bilang na ito Naga City ang nakapagta ng pinakamarami na pumalo sa 73. Nasundan ng Pili na may 28, 26 sa Libmanan , 13 sa Minalabac habang 12 sa Iriga City,  tigwalo ang Calabanga at Pasacao.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Malinis na paligid ang ipinapayo ng Kagawaranng kalusugan upang walang pamugaran ang mga lamok.

Sa probinsya isa ang bayan ng Milaor sa parating binabaha, subalit inihayag sa BNFM ni Municipal Risk Reduction and Management Officer Edwin Olitoquit mabilis nang humupa ang tubig sa 13 mga barangay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Gayunpaman binigyang diin na pakatapos ng pagiging alaba ngayong Undas, magkakaroon ng pagpupulong sa  pagitan ng MDRRM at mga Barangay Council upang maisawan ang mga sakit na dulot ng pagbaha o pag stock ng tubig tulad ng pagkakaroon dengue cases.