Kapayapaan sa South China Sea na alinsunod sa 2016 UN-backed arbitral ruling, isinulong ng Pangulo

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakaisa sa buong Southeast Asia upang makamit ang kapayapaan at stability sa South China Sea.

Umaasa ang Pangulo na mangyayari ito na alinsunod sa international law, kabilang na ang 2016 arbitral award na nag-invalidate sa nine-dash claim ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sinabi ng Punong Ehekutibo sa virtual Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na hindi dapat masayang ang peace efforts sa rehiyon dahil lamang sa mga kaniya-kaniyang interes ng bawat bansa.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kasabay nito ay umapela ang Pangulo sa lahat ng mga bansa na protektahan at ipreserba ang biodiversity at marine environment sa South China Sea.