Inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na inaprubahan nito ang paggawad ng special incentives na aabot sa P750,000 sa Filipino gymnast na si Carlos Edriel Yulo.
Ito ay matapos makabawi ni Yulo mula sa bigong kampanya nito sa Tokyo Olypics nang makasungkit ito ng dalawang medalya sa 2021 World Artistic Gymnastics Championships.
Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, ipinakita ni Yulo na kaya nitong bumangon at manatili bilang world champion natin sa gymnastics.
Nakasungkit na si Yulo ng gold sa vault at silver sa parallel bars sa nasabing kompetisyon na ginanap sa Kitakyushu General Gymnasium sa Kitakyushu, Japan.
Dahil diyan ay mabibigyan si Yulo ng P500,000 para sa kaniyang gold medal at karagdagang P250,000 para sa silver.
Mababatid na si Yulo ang unang Pilipino na makakapag-uwi ng multiple medals mula sa isang event.
