Camarines Sur, 4 na lamang ang bagong COVID-19 cases

NAGA CITY- Apat na lamang ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur kahapon.

Mga residente ng Lubgan at Pawili bayan ng Bula, tig isa naman sa Barangay San Miguel at Caroyroyan Pili.  May apat na nag positibo sa repeat swab mga residente ng Calabanga, Nabua, Pamplona, Pili at San  Fernando.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

28 ang nakarekober kahapon. 311 ang aktibo. Sa pangkalahatan 16, 808 ang cumulative cases sa lalawigan, 15, 877 ang recoveries.

Patuloy din ang pagbaba ng kaso sa Naga City, kung saan base sa tala ng Department of Health Bicol, kahapon ay apat rin ang new cases.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Ken Nuyda  ng Epidemiology Surveillance Unit 5, kaunti ang sinusuri ngayon dahil kaunti rin ang cases sa loob ng tatlong linggo, kung kaya kakaunti rin ang kanilang close contacts. Gayunpaman, tuloy ang active surveillance.