BNFM BICOL—Ang COVID-19 Delta variant pa rin ang pinaka dominante o may pinakamaraming kaso sa lahat ng mga variants of concern sa Bicol region.
Batay sa ulat na inilabas ng Department of Health kahapon, umabot na sa 640 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa Bicol makaraang madagdagan ng tatlong mga bagong kaso.
Nasa 127 naman ang Beta; 56 na Alpha habang sumirit na sa 16 ang mga naitatalang kaso ng Omicron variant sa rehiyon na siyang ikinokonsiderang pinakanakakahawa at pinakamabilis na kumalat na uri ng COVID-19 variant.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa kabuuang 839 ang mga naitalang kaso ng variants of concern o VOC sa Bicol kung saan ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakaraming Delta variant cases habang ang lalawigan naman ng Albay ang may pinakamaraming kaso ng Omicron variant.###