PNP Naga namigay ng rosas nitong Valentine’s Day

NAGA CITY- Ipinaramdam ng Naga City Police Office na kaisa sila sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, namigay ng bulaklak na rosas sa mga driver, pasahero o sa mga napadaan sa centro ng lungsod.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Ito ay simpleng pagpakita ng pagmamahal. Ibinahagi ni NCPO Spokesperson PSMS Toby Bongon,  sa naging panayam ng Brigada News FM Naga na ang mga nanghihinayang bumili ng rosas ay may naibigay pa rin sa kanilang minamahal.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Ang mga nasita na may violation ay pinagbigyan muna, sa halip na ticket rose ang ibinigay kasabay ng paalala sa tamang pagmaneho at pagdala ng sasakyan. Kita naman ang ngiti sa mga naabutan ng bulaklak.