Camarines Norte IMT tiniyak na dadaan sa mahigpit na pagsusuri ang ipiprisintang vaccination cards sa mga border checkpoint

Dadaan sa mahigpit na pagsusuri sa border checkpoints ang mga vaccination card na ipiprisinta ng mga fully vaccinated individuals sa mga border checkpoint ng Camarines norte

Base sa ibinigay na pahayag ni Atty Don Culvera, Unified Incident Commander, ito ay upang matiyak na hindi makakalusot ang mga posibleng pekeng vaccination cards na maaaring gamitin ng mga nais makapasok sa probinsya

Ngayong buwan ng Nobyembre ay inaasahan na ang pagdami ng bilang ng mga papasok sa probinsya matapos na pahintulutan na ang lahat ng mga fully vaccinated individuals , residente man o turista na pumasok sa lalawigan ng walang negatibong resulta ng antigen test o RT-PCR test.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Kasabay nito ay titiyakin din ng Provincial IMT na ang lahat ng mga bus na bibiyahe papasok ng lalawigan ay may kaukulang dokumento o permiso mula sa LTFRB at kailangang papirmahin ang mga pasahero sa manifesto bago umalis sa terminal

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Matatandaan na sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kay Governor Edgardo Tallado, sinabi nito na vaccination card, ID at travel pass na lang ang ipapakita sa checkpoint sa pagpasok sa lalawigan.

Sinabi din nito na mananatili pa rin ang Antigen test center sa border checkpoint para sa mga hindi pa bakunadong indibidwal