Camarines Norte Gobernador Edgardo Tallado nanindigan sa kanyang kautusan na isailalim sa antigen test ang lahat ng mga papasok sa probinsya maging ito man ay kabilang sa mga APOR

CAMARINES NORTE- Nanindigan si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na walang exemption sa Antigen test ang lahat ng mga papasok sa Camarines Norte maging ito man ay Authorized person outside residence (APOR)

Ito’y sa kabila ng ipinadalang sulat ni DILG Regional Director Atty Anthony Nuyda na komokontra sa naging kautusan ni Governor Edgardo Tallado dahil sa hindi anya nito pagsunod at pagtalima sa national policies na ipinapatupad ng IATF.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Base kasi sa Kautusang tagapagpaganap Bldg 27 s.2021, kinakailangang magpasa ng Rapid Antigen Test ang bawat indibidwal na papasok ng lalawigan kabilang na ang mga APOR, gayundin ang mga kawani ng mga pampublikong gobyerno

Sinabi  ni Nuyda na dapat na i-align ng Provincial Government ang kanilang mga polisiya batay sa ipinapatupad ng National IATF at kasabay din nito ipinagbigay alam ni Nuyda sa Provincial Government na hindi kinakailangan na magpasa ng Rapid Antigen result ang mga kawani ng DILG at NGAs kung papasok ng local boarders ng lalawigan at kinakailangan magperform ng kanilang pagtratrabaho susog sa national policies.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Punto naman ng Gobernador, sya ay binigyan ng kapangyarihan ng National Government na magpatupad ng mga polisiya may kaugnayan sa usapin ng COVID-19. at kailangang ang lahat ng papasok sa probinsya ay kailangang sumailalim sa antigen testing dahil lahat umano ay pwedeng kapitan ng COVID-19 lalo na at kailangang mas pagibayuhin ang pag-i-ingat dahil sa banta ng mapanganib na Delta Variant