LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) at ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO) ng Local Government Unit – Camalig na patuloy pa rin ang pagbibigay ayuda sa mga close contacts na nagpositibo sa covid 19. Aniya, isa lamang ito sa naging hakbang ng LGU para maiwasan ang posibleng magkaroon ng Local transmission sa naturang sakit at mananatili muna ito ng hindi bababa sa labing apat (14) na araw nasabing pasilidad.
Dahil dito kailangan maibigay sa mga closed contact ang pangangailangan sa pamamagitan ng ayuda habang sila ay nasa quarantine facility.
Ayon pa dito, regular din na binabantayan ang mga closed contact upang masiguro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at Municipal Health Emergency Response Team (MHERT) na sumusunod ang mga ito sa quarantine protocols.
Inihayag ng MDRRMO at MSWDO mula nang sumiklab ang COVID-19, naging malaki ang tulong ng LGU-Camalig sa paghahatid ng suporta sa pagkain sa mga Persons Under Monitoring (PUMs), at mga positibong kaso ng COVID-19 at kanilang malapit na ugnayan bilang bahagi ng hangarin ng munisipyo na iligtas ang kapakanan ng mga apektadong Camaligueños sa gitna ng pandemya. Ang mga food pack ay paunang ibinigay ng Albay 2nd District Representative, Kongresista, Joey Sarte Salceda sa pamamagitan ng Department of Social Welfare & Development (DSWD).