Cagayan Gov. Mamba, tiniyak ang tulong sa pamilya ng 11 katao nasawi sa aksidente

Nagpaabot ng pakikiramay at nangako ng tulong si Cagayan Gov. Manuel Mamba sa pamilya ng 11 kataong sakay ng pick-up truck na nasawi matapos salpukin ng pampasaherong bus sa barangay Ayaga, Abulug, Cagayan kaninang madaling araw.

Inatasan na ng Gobernador ang Provincial Social Welfare and Development Office na bisitahin ang pamilya ng mga nasawi at nasugatan upang maibigay ang kaukulang tulong para sa mga ito.

Nabatid na magkakapamilya ang mga nasawi sa aksidente na pawang mga residente ng bayan ng Allacapan, Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *