11 katao patay sa salpukan ng pampasaherong bus at pick-up truck sa sa Cagayan

Labing isa katao ang patay sa salpukan ng pampasaherong bus at pick-up truck sa Abulug, Cagayan kaninang alas dose ng hatinggabi

Ayon kay Abulug Police Station Commander PMAJ Antonio Palattao, ang mga nasawi ay sakay ng pick-up na galing umano sa isang lamay sa flora, apayao at pauwi na sana.

Sa inisyal na imbestigasyon, palabas umano ang pick-up truck sa provincial road saka nasalpok ng bus na binabagtas ang national road.

Inihayag pa ni PMAJ Palattao na bukod sa driver ng pick up at isang dalagitang pasahero nito ay wala ng iba pang nakaligtas matapos ang banggaan.

Habang ang driver ng bus at kundoktor nito ay nagtamo ng injuries habang ang 23 pasahero nito ay nagtamo ng minor injuries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *