Mag-iina sa Ibaan Batangas, nawawala; Nanay ng mga bata, hindi umano mentally stable ayon sa pamilya nito

Nawawala ngayon ang isang nanay at ang dalawa nitong anak simula pa noong July 6, 2024.

Mula ang mga ito sa Ibaan, Batangas.

Ayon kay Winnie Dimaano, 28-anyos, kapatid ng 34-year-old na si Joy – nalaman nilang nawawala ang kanyang ate at mga pamangkin noong July 7 ng umaga.

Nagdala umano ang mga ito ng ilang mga damit.

Kwento ni Winnie, palagay niya ay may pupuntahan o kakatagpuan si Joy na hindi nila alam kung sino.

Dagdag pa nito – hindi mentally stable ang kanyang ate.

Huli aniyang namataan ang mag-iina sa Barangay Bago, at naglalakad papuntang bayan.

Naghanap na rin daw sila sa bayan ng Rosario at San Jose, Batangas pero hindi pa nila ito natatagpuan.

Ayon naman kay Acting Chief of Ibaan Police Station PMAJ. Nepthali Solomon, batay sa pagre-review nila ng CCTV, nakita nila sa Barangay Bago ng Ibaan ang tatlo at nakaimpake.

Ibig sabihin aniya nito, hindi sila ma-a-alleged na nawawala, kung ‘di naglayas.

Tiniyak naman ni Solomon ang pag-a-assist sa pamilya para malaman kung saan posibleng sumama ang mag-iina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *