CA, ibinasura ang hiling ni Zaldy Ampatuan na mailipat sa ospital mula Bilibid

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hiling ng nakakulong na si dating Autonomous Region on Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan, na mailipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) papunta sa ospital.

Sa kanyang urgent motion na inihain noon pang July 20, 2020, hiniling ni Ampatuan na suspek sa multiple murder case na may kaugnayan sa 2009 Maguindanao massacre, na mailipat sa medical facility, para maprotektahan umano ang kanyang sarili mula sa COVID-19.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon sa kampo ni Ampatuan, nakokompromiso ang kalusugan nito matapos na makaranas ng strokes sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon, ilang buwan bago ito makulong sa NBP, maliban sa sa hypertension, diabetes mellitus, at chronic atrial fibrillation.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Giit ng CA, sinimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna noong March 2021, at ipinapatupad narin ang mga bagong panuntunan, at ang buong NCR ay nasa ilalim na ng Alert Level 1, na ibig sabihin umano, mababa na ang CoVID-19 transmissions. //MHEL PACIA