Byahe ng bus mula bayan ng Jose Panganiban patungong PITX, umarangkada na  

CAMARINES NORTE- Umarangkada na nitong Huwebes, February 17, 2022 ang byahe ng bus na may rutang Jose Panganiban to PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange) and vice versa

Ang unang byahe ay umalis ng  6:30 PM sa naturang bayan

Matatandaan na noong isang araw lamang ay inanunsyo Lokal na Pamahalaang bayan sa pamamagitan ni Mayor Ariel Non sa kanyang social media account ang posibilidad ng muling pagbabalik ng sistema ng transportasyon patungong Metro Manila.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Siniguro naman ng pamunuan ng Superlines Bus Company na masusunod pa rin ang umiiral na taripa para sa pamasahe ng mga commuter para sa regular na pamasahe ay  Php 600.00  habang ang Discounted na pamasahe ay aabot lamang ng Php 480.00

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang pagbabalik ng byahe ay bunsod sa endorsement ng LGU sa muling operasyon ng kumpanya matapos ang higit dalawang taon dahil sa pandemya.

Point to point ang magiging sistema ng byahe at mahigpit pa ring ipatutupad ang minimum health standards sa lahat ng mga pasahero.

(Photo courtesy: PIO-Jose Panganiban)