NAGA CITY- Makapagbigay ng seguridad ang pangunahing papel ng Philippine National Police sa Task Force Baklas ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay ayon kay PLt.Col. James Ronatay, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office kaugnay ng pahayag ni PNP Public Information Office (PNP-PIO) chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba na mapaparusahan ang sinumang kawani na aabuso. Ito ay kasunod ng pagtanggal ng mga campaign posters nina Presidential Candidate VP Leni Robredo sa Santiago, Isabela kahit nasa pribadong pag-mamay ari at nasa headquarters pa ng volunteers.
Pinaalala ni Ronatay sa mga kapwa pulis sa lalawigan na hayaan ang mga nangunguna sa task force na magbaklas at hindi ang PNP. Hindi rin aniya dapat na pumasok sa mga pribadong lugar. Seguridad sila sa area dahil baka may mga supporters ng sinumang kandidato na hindi magustohan ang hakbang at magsimula ng gulo.