CAMARINES NORTE- Pinalawig ng Social Security System (SSS) ng tatlo pang buwan o hanggang Mayo ang dalawa sa on going loan condonation program nito para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga miyembrong mayroong pagkakautang dahil sa epekto ng pandemya na makabayad.
Batay sa circular na inilabas ng ahensiya ang panahon ng pag apply para sa short-term member loan penalty condonation program ay pinalawig ng hanggang sa Mayo 14 mula sa February 15 na original deadline.
Ang short-term member loan penalty condonation program ay magko- consolidate sa kabuuang halaga ng outstanding principal at interes na naipon mula sa mga nakaraang loan.
Ang settlement ay maaaring one-time full payment o installment.
Sa isa pang ipinalabas na circular ang deadline ng pag apply sa housing loan restructuring and penalty condonation program ay inilipat sa May 21 mula sa unang cut- off na February 22.
Ang housing loan restructuring and penalty condonation program ay magko- condone sa lahat ng hindi nabayarang penalty.
Ayon sa SSS Daet Branch online ang application sa naturang mga programa.
