“Bunggo Scheme” sa kapitolyo, nais nang matigil

Binalaan ni dating Palawan Board member Richcristopher “Payging” Magbanua ang mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan na sangkot sa umano’y “Bunggo Scheme” sa gusaling kapitolyo.

Si Payging Magbanua Program Head ng PADAC, PMRB at Bantay Palawan sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tiniyak ni Magbanua na mawawala ng trabaho sa kapitolyo ang mapatutunayang sangkot sa “bunggo team’.

Nais niyang matigil na ang ganitong sistema na lalong nagpapahirap sa maraming empleyado ng pamahalaan dahil napipilitan silang mangutang.

Kaugnay nito, kinausap na ni Magbanua ang Provincial Administrator at mga liason officer sa munisipyo na asikasuhin ang mga papel ng mga empleyadong hindi pa nakakasahod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nag-ugat ang usapin nang magpasaklolo sa Brigada ang isang contractual employee ng kapitolyo dahil inabot na ng limang buwan ay hindi pa rin sila nakakasahod.