Ilang mga diplomats, muling humarap kay President-elect Marcos ngayong araw

Ngayong araw ay muling tumanggap ng bagong batch ng mga diplomats si President-elect Bongbong Marcos sa kanilang headquarters sa Mandaluyong.

Kabilang sa mga nag-courtesy call kay Marcos ay sina Chargé d’ Affaires ng Poland na si Mr. Jaroslaw Szczepankiewicz, Bangladeshi Ambassador Borhan Uddin, at New Zealand Ambassador Peter Tavita Kell.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Makakausap din ni Marcos sina Nigerian Ambassador Folakemi Ibidunni Akinleye at Ambassador ng Australia na si Steven James Robinson.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Inaasahang tatalakayin ang ilang mga hakbang para pagtibahin ang relasyon sa pagitan ng mga estado at ilang mag programa para sa kanilang mga citizens.

Magkakaroon naman ng media briefing ang mga envoys matapos ang pagpupulong.