Bulkang Taal – mananatili sa alert level 1

Hindi muna itataas ng PHIVOLCS ang alert level mula sa Bulkang Taal mula sa kasalukuyang Alert Level 1.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na naitalang phreatomagmatic eruption ng mga nagdaang araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol, sinabi nitong hindi nila ito gagalawin hanggat hindi pa sila nakakikita ng pamamaga sa paligid ng bulkan.

Read More:  PhilSA: Mayon ash fall affects over 1,000 hectares of farmland

Sa nakalipas na 24 oras, 1 maliit na phreatic eruption ang naitala mula sa bulkan; habang wala nang na-monitor na volcanic earthquakes.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Maliban dito, umabot naman ng 2,068 tonelada kada araw ang naibugang sulfure dioxide.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ng mga otoridad ang pagpasok sa Taal Volcano Island, maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit dito.