Opisyal nang naghain ng kanilang kandidatura sa pagka-alkalde ngayong Lunes, October 7 sina incumbent Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Tatakbo muli si Rubiano para sa kanyang ikatlong termino bilang Mayor ng lungsod ng Pasay habang si Cayetano ay tatakbo para sa kanyang ikalawang termino.
Samantala, opisyal na ring naghain ng kanyang certificate of candidacy sa lokal Comelec office sa Parañaque si Aileen Claire Olivarez bilang alkalde sa Parañaque City, ang maybahay ni Incumbent Mayor Eric Olivarez.
Sa Muntinlupa City naman, naghain na ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sina incumbent Mayor Mel Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, at Alelee Aguilar, para sa darating na 2025 National and Local Elections.
Si Mayor Mel Aguilar ay tatakbo bilang Bise Alkalde, habang si Bise Mayor April Aguilar naman ang lalaban- sa pagka-alkalde sa lungsod.
Samantala si Alelee Aguilar naman ay tatakbo bilang Konsehal para sa 1st District ng Las Piñas, para sa kanyang unang bid para sa isang posisyon sa lokal na pamahalaan.