Apat na miyembro ng Pamilya Duterte nag-file ang kanilang certificate of candidacy o COC ngayong araw.
Pinangunahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pag-file ng COC bilang alkalde ng lungsod ng Davao.
Samantala, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sebastian Duterte ay tatakbo bilang Bise Mayor ng lungsod.
Samantala ang Apo niyo na si Omar Duterte, anak ni 1st district representative Paolo Duterte ay kakandidato bilang 2nd district Representative ng siyudad.
Si Omar ay kasalukuyang Barangay Kapitan ng Buhangin Proper, Davao City.
Samantala, kaninang umaga ay nag-file ng kanyang COC si Davao City 1st district Representative si Paolo Duterte.
Ito ay para sa kanyang huling termino bilang mambabatas ng unang distrito ng Davao City.
Ang abogado nitong si Atty. Elijah Pepito ang nag-file ng COC ni Cong. Pulong. (with reports from JULIUS PACOT – 93.1 BNFM DAVAO)