Acquittal kay dating Sen. De Lima, hindi nangangahulugang gumagana na ang justice system sa bansa – kongresista

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na ang pagpapalaya kay dating Senadora Leila De Lima makalipas ang mahabang panahon ay hindi nangangahulugan na gumagan na ang sistema ng hustisya sa bansa.

Ayon kay Lagman, hindi masasabing sa pagbasura sa mga gawa-gawang drug charges laban kay De Lima ay matatamasa na rin ng lahat ng drug offenders at mga biktima ang hinihiling na hustisya.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Hangga’t hindi aniya napapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y extrajudicial killings na may kaugnayan sa ilegal na droga at humaharap sa korte ay mananatiling bigo ang justice system para sa mga biktima.

Paliwanag ng kongresista, hindi rin maaaring igiit ng Pilipinas na gumagana ang sistema ng hustisya para maging exempted mula sa hurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ito’y kaugnay sa umano’y crimes against humanity na ginawa ni Duterte at sinasabing mga kasabwat nito.

Mababatid na pitong taon ang hinintay ni De Lima bago tuluyang mapawalang-sala sa lahat ng drug charges laban sa kanya.