Grupo ng kabataan – na-scam ng pekeng ‘exclusive photo’ with BINI sa halagang P10K

Humingi ng tulong sa pulisya ang dalawa sa apat na mga kabataan na sinasabing na-scam umano matapos pangakuan ng isang lalaki na magkakaroon ng opportunity na makakapag-exclusive picture kasama ang sikat na P-Pop girl Group na BINI sa nagsagawa ng concert sa isang hotel sa Cebu kagabi.

Una nito, nalaman sa pagsisiyasat ng mga personnel ng Mabolo Police Station na na-ubusan umano sila ng ticket sa concert ng naturang girl group kaya hindi na sila nakapasok sa venue sa naturang concert.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sinasabing bigla na lang di umanong lumapit ang isang lalaki at pinangakuan sila na makapag-papicture sa BINI ngunit kailangan na magbayad ng P15,000.

Ngunit namahalan ang mga biktima hanggang sa nagkasundo sila sa P10,000 na presyo at paghahati-hatian na lang ito.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kinuha ‘di umano ng lalaki ang pera at pinaghinatay sila sa labas ngunit natapos na lang ang concert at sumapit na ang alas-3 ng madaling araw, hindi na muling nagpakita ang suspek.

Sa ngayon, tinitingnan na ng pulisya ang mga CCTV sa lugar at nagpalabas na rin sila ng picture ng lalaki na sinasabing nang-scam ng mga biktima. (more reports from AIRES ATUEL DEPOSITARIO – 90.7 BNFM CEBU)