BRP Teresa Magbanua, hindi iwi-withdraw sa Escoda Shoal sa kabila ng pagbangga ng China

Nanindigan ang Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sila aalis sa kabila ng pambu-bully ng China sa mga barko ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang panibagong insidente kung saan ay binangga ng tatlong beses ng China Coastal Guard (CCG) ang BRP Teresa Magbanua.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commo. Jay Tarriela, sinabi nitong walang rason para umalis at diktahan ng ano mang Foreign State na umalis sa sarili nating exclusive economic zone.

Sa ngayon, ipauubaya na raw nila sa mga naaayong ahensya ang mga magiging sunod na hakbang ng Pilipinas.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kabilang na rito ang paghahain ng panibagong diplomatic protest, ‘o ‘di kaya nama’y pagsasampa ng bagong kaso laban sa China.

Ang Gobyerno na rin umano ng Pilipinas ang tutukoy kung ang naturang insidente ba ay maituturing na bilang isang armed attack.