Mayroon nang mga napaulat na nasawi dahil sa epekto ng Bagyong #EntengPH at habagat.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), for validation pa ang bilang na dalawang namatay, na pawang mula sa Region 7 o Central Visayas.
Hiwalay pa ito sa iniulat sa bahagi naman ng Bicol Region na dalawang fatalities.
Sampu rin ang naitalang sugatan.
Samantala, nasa 63 indibidwal o 14 na pamilya mula sa 3 bgy sa Cebu City ang naiulat na apektado.
Mula sa nabanggit na bilang, 43 ang nananatili ngayon sa evacuation centers.
Dahil naman sa masamang panahon, kanselado ang klase sa nasa 143 na mga paaralan sa CALABARZON at Bicol Region.
Patuloy na naka-antabay ang NDRRMC sa iba pang report mula sa mga apektadong rehiyon.
CEBU LANDSLIDES
Patay ang dalawang babae habang walo ang sugatan at nasa 59 na indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos gumuho ang riprap sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa sa lungsod ng Cebu kahapon.
Kinilala ng otoridad ang mga nasawi na sina Jimaimah Ibuña, 17 anyos ng Sitio Caduloy Riverside, Brgy. Tisa; at Claire Dosdos, 26 mula sa Purok 5 sa mountain barangay ng San Jose sa Cebu City.
Sa naturang bilang ng mga nawalan ng tirahan, 44 dito ang mula sa Tisa at 15 naman ang mula sa San Jose.
Ayon kay Harold Alcontin, Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office head, na agad silang rumesponde sa lugar kung saan nangyari ang pag-collapse ng pader na tumabon sa mga kabahayan at nag-resulta sa pagkasawi ni Ibuña at ikinasugat naman ng apat na iba pa.
Sinasabing siyam na bahay ang nasira at sa ngayon nasa 50 karagdagang bahay umano ang nameligrong masira kung mangyaring muli ang landslide.
Habang ayon kay City Councilor Joel Garganera, chairman ng City Council’s committee on disaster risk reduction and management, safety, and climate change adaptation na sa San Jose, isang Bahay lang ang nasira ngunit apat na pamilya ang apektado o nasa 15 mga indibidwal.
Malaki ang paniwala ni Alcontin na dahil sa malakas na mga pag-ulan, lumambot ang lupa at hindi na ito nakapigil pa sa pag-collapse sa naturang mga pader.
NAGA DEATHS
Dalawa naman ang kumpirmadong nasawi sa p Naga City.
Una ang 57 anyos na padre de pamilya sa Concepcion Pequeña.
Tininggan nito ang kaniyang shop sa kasagsagan ng pag-uulan at pababaha subalit pero tumama sa live wire, dinala sa ospital ngunit hindi na nakaligtas.
Sa Barangay Igualdad naman ang senior citizen nan a nerbyos at inatake sa puso. Habang ang isa pang nakuryente sa Concepcion Pequeña ay stable na.
Umuwi na ang mga residenteng nag evacuate sa naturang barangay dahil humupa na ang tubig, pero nanatili sa Jesse M. Robredo Coliseum ang mahigit isang daan pang indibidwal.
Ayon kay Mayor Son Legacion, magpapatawag ng pagpupulong maya-maya para sa kabuohang sitwasyon.
Naghatid ng mainit na sopas, pancit at tinapay ang Brigada News FM Naga sa mga apektadong pamilya.