Brgy. Tanod patay sa saksak ng isang eco-aide sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Dead on Arrival sa ospital ang isang Bangay Tanod matapos saksakin ito ng isang eco aide sa Barangay Baño, Legazpi City.

Kinilala ang biktima na si Allan T Castro habang kinilala ang suspek na si Roldan A Baloloy residente ng Sitio Tarlac Barangay Eash Washington ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang nagsumbong sa Legazpi CPS na may nangyaring pananaksak sa nasabing lugar.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Dahil dito agad na pinuntahan ang lugar na pinangyarihan upang magsagawa ng imbestigasyon.

Sa inisyal na impormasyon, bandang 10:49 AM na mangyari ang insedente kung saan ang biktima habang palabas ng Elena Llasos Store ay sinaksak ng suspek gamit ang isang kutsilyo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mabilis na tumakas ang suspek sa di malamang direksyon matapos ang insedente. Nagtamo naman ng mga saksak ang biktima sa kanang upper quadrant abdomen.

Agad naman isinugod ang biktima sa BRTTH para mabigyan ng medical na atensyon ngunit kinalaonan ay idineklara itong patay ng attending physician bandang 11:45 AM Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Legazpi CPS para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek.