Chikiting vaccination day sa Bicol inilunsad sa isang mall sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Inilunsad na ng Department of Health (DOH) Bicol katuwang ang city health office (cho) sa sm mall legazpi ang chikiting vaccination days sa Bicol Region.

Ayon kay Dr.  Fullbert Gillego, ang head ng cho ng nasabing lungsod, nagsagawa na ng pagbabakuna sa mga bata at senior citizen kung saan ang naging benepisyaryo nito ang residente ng Barangay Bitano.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maaaring kumuha ng routine immunization para sa mga edad 2 years old pababa at bakuna laban sa COVID-19 para sa mga edad 5 hanggang 11 years old.

Aniya, ang mga bakuna laban sa mga vaccine-preventable diseases ay maaari ring makuha sa mga health centers upang maiwasan na magkaroon ng sakit na tigdas at iba pa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Target ng ahensya na mabigyan ng bakuna ang nasa edad na 5-11 yrs old ay nasa  24K subalit nasa mahigit 4k pa lamang ang kanilang natuturukan.

Sinabi ng opisyal, planu  puntahan ng cho Legazpi ang mga paaralan para makapagsagawa ng immunization o pagbabakuna at makapaghikayat ang mga ito ng mga magulang na hindi pa nababakunahan.