Brazilian sugar at ethanol exporter, nangako rin ng tulong sa local sugar industry sa bansa

Nangako ang isang Brazilian firm na tumulong sa produksyon ng asukal at ng ethanol sa bansa.

Personal na nakapulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang firm na DATAGRO, isa sa mga pangunahing sugar firms sa Brazil.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa naturang meeting, nabuksan ang posibilidad ng pilot testing ng kanilang ‘Tech Transfer and Assisted Management Project’ sa Negros at Panay Islands.

Iminungkahi rin nila ang pagda-diversify sa milling operations ng mga tubo sa Pilipinas.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ito raw ay sa pamamagitan ng pagko-convert ng mga lokal na asukal bilang ethanol.

Samanatala, nagpasalamat naman ang Pangulo sa bagong investment at assistance pledge ng naturang kumpanya.

Aniya, kumpiyasa raw asiyang makatutulong ito sa produksyon, at pangmatagalang kita ng lokal na industriya ng pag-aasukal.