Panukalang magbibigay proteksyon sa mga entertainment industry workers, lusot na sa Kamara

Nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang nais bigyan ng proteksyon at promotion ng kapakanan ng mga workers o independent contractors sa industriya ng pelikula, at radio entertainment.

Kabuoang 240 House members ang nag-‘yes’ para sa House bill 1270 na nag-uutos na mag-require ng employment contract sa pagitan ng employer at worker o independent contractor.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa ilalim din ng naturang panukala, kailangang maglatag ng mga kondisyon para sa compensable hours of work, at kailangang ding ang minimum wage rate ng mga naturang empleyado ay hindi bababa sa applicable minimum wage sa rehiyon.

Ilan pa sa nakasaad dito ay ang paggarantiya na ang pag-employ sa mga minors ay susunod sa batas, pagbabawal sa ‘cabo’ system, at pagbubuo ng Film, Television, and Radio Entertainment Industry Tripartite Council na siyang babalangkas ng mga polisiya na makaaapekto sa industry.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Saklaw ng House bill No. 1270 ang mga actors, singers, musicians, dancers, maging ang iba pang workers sa acting, declamation, at performing arts.