Kandidato para madeklarang drug cleared ang dalawang barangay sa Olongapo City.
Ayon kay PDEA Zambales Provincial Officer Jigger Juniller, nakakumpleto na ng folders at requirements na ipadala na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office.
Kasunod nito ay hihintayin pa umano ang Certificate to Proceed mula sa Central Office na siyang magsasabi kung maaari nang isalang sa deliberasyon ng Regional Oversight Committee ang mga barangay.
Ibig sabihin, hindi madali ang prosesong pagdadaanan para masabing wala nang active drug personality ang isang lugar bago ideklarang drug cleared.
Sa ngayon ang mga kandidatong barangay ay ang East Bajac-Bajac at ang Kalaklan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
