Abanse na sa NBA Finals ang Boston Celtics matapos ma-sweep ang Indiana Pacers sa Eastern Conference Finals.
Hindi na hinayaan ng Celtics na ma-extend pa ang serye at tinapos na ito sa Game 4 sa pamamagitan ng 105-102 win.
Nanguna sa Celtics sina Jaylen Brown & Jayson Tatum na may COMBINED 55 PTS, para igiya ang Celtics sa ikalawang NBA Finals appearance sa loob ng apat na taon.
Susi sa panalo ang clutch, game-winning three ni Derrick White sa nalalabing 45 segundo ng laro.
Hinirang naman bilang Eastern Conference Finals MVP si Jaylen Brown.
Makakaharap ng Boston ang mananalo sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at Dallas Mavericks kung saan leading ang Mavs sa series 3-0.