Nakalapag na ang eroplanong sinakyan ni Pangulong Bongbong Marcos, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang kaniyang delegasyon sa Brunei Darussalam.
10:01 ng umaga nang nag-land ang delegasyon nito sa Bandar Seri Begawan International Airport.
Ito ay para sa kaniyang dalawang araw na State Visit.
Inaasahang masaksihan ang paglagda sa iba’t ibang mga kasunduan ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, partikular sa defense, tourism at agriculture.
Ito na ang ika-27 foreign trip ng Pangulo.
Matapos ito ay didiretso siya sa Singapore para sa kaniyang keynote talk hinggil sa seguridad at depensa.
Inaasahan namang iimbitahan din niya ang bagong punong ministro ng Singapore na bumisita sa Pilipinas.