Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Botolan, Zambales ang muling pagbubukas sa mga turista ng Mt. Pinatubo Crater Lake Adventure s.
Kaugnay nito, nagkaroon na ng pagpupulong ang Lokal na Pamahalaan, Tourism Office at barangay na nakakasakop sa lugar bilang bahagi ng paghahanda.
Ayon kay Botolan Tourism Officer Gennessy Detubio Villar, target na makapagbukas muli sa huling linggo ng Oktubre o kaya sa unang linggo ng Nobyembre ngayong taon.
Ito ay matapos na magsara mula noong March 2020 dahil sa mahigpit na restriksyon dulot ng pandemya.
Abangan na lamang umano sa mga official facebook page ng LGU ang iaanunsyong mga numero para makapagpabook ng tour package sa Tourism Office.
Samantala, dahil dito ay inaasahan na rin ang pagkakaroon ng mas marami pang hanapbuhay ng mga residente sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: LGU BOTOLAN
