Boosters para sa lahat sa buong mundo, hindi ‘feasible’ sa loob ng isang taon – expert

Aminado ang leading expert na tumulong sa pagbuo ng Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine na hindi feasible ang pagbibigay ng multiple booster shot sa lahat sa mundo sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Professor Andrew Pollard na hindi sustainable at affordable ang pagbabakuna sa mundo sa kada apat hanggang anim na buwan.

Iginiit ni Pollard na mas magandang tutukan ang mga vulnerable kaysa sa pagbabakuha sa lahat mula edad 12 pataas.

Ayon kay Pollard, walang pang makakapagsabi kung paano at gaano kadalas dapat bigyan ng additional doses ang mga vulnerable.

Kumbinsido si Pollard na kailangan ng dagdag pang pag-aaral at ebidensya bago isulong ang 4th COVID-19 shot sa mga tao sa United Kingdom na kasalukuyang nagsasagawa ng 3rd shots sa mga malulusog na taong nasa edad 18 pataas.