Nagpatupad ng total lockdown ang Yuzhou city sa China matapos lamang maitala ang tatlong bagong kaso ng COVID-19.
Unang nagpatupad ng mahigpit na lockdown ang Xi’an kung saan hindi pinayagan ang 13 million population nito na makalabas ng kanilang bahay mula pa noong December 23.
Sa kabila ng mga ipinatupad na lockdown, tiniyak ni Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na mayroon silang epektibong defense system lalo na at isang buwan na lang at magsisimula na ang Winter Olympics sa Beijing.
Sinabi ni Wang na bahagi ng sinasabi niyang sistema ay papasok sa bubble ang libu-libomg staff at volunteers simula sa Martes para matiyak na walang physical contact ang mga ito sa labas at maiwasan ang hawaan.
Maging ang mga participants at international media na magko-cover sa mga palaro ay sasalang sa bubble pagdating nila sa China.
