Blood Letting activity ng LGU-Daet naging matagumpay; mahigit isang daang bag ng dugo naipon mula sa nakiisa sa aktibidad kahapon

CAMARINES NORTE- Naging matagumpay ang isinasagawang bloodletting program ng Lokal Na Pamahalaan ng Daet sa pamamagitan ng Municipal Health Unit at Municipal Blood Council at sa pakikipagtulungan ng Bicol Medical Center kahapon.

Ito’y matapos na makiumisa ang iba’t- ibang NGO’s at ilang ahensiya ng maging ng mga Barangay

Halos isang daan at dalawamput isang bag na dugo ang naipon ng grupo sa nasabing aktibidad.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Isa sa nagdonate ng dugo si  Police Chief Master Sargeant Glenn Aguitong Ng Talisay, kung saan personal pa na pumunta sa mismong covered court ng LGU Daet sa Barangay Pamorangon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon Kay Sargeant Aguitong ito’y isa sa kanilang mandato sa hanay ng PNP na “to serve and protect” kung saan ang pagbibigay o pagdonate ng dugo ay bahagi ng kanilang pagseserbisyo sa bayan.

Samantala, Bukod sa PNP ay nakiumisa rin ang BFP sa isinagawang aktibidad

Ayon naman sa Rural Health Unit sa pamamagitan ni Dra Laurene Tejada, labis ang pasasalamat nito sa mga nakiumisa lalo na ng LGU Daet.