NIA hinimok ang mga magsasaka sa Camarines Norte na mag avail ng kanilang condonation Program

CAMARINES NORTE- Hinimok ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka sa Camarines Norte na mag avail ng kanilang condonation program upang malinis ang kanilang pagkakautang.

Sa isinagawang talakayan sa Philippine Information Agency (PIA) sinabi ni Mariano Villamonte, Public Information Officer ng NIA sa Camarines Norte na mas pinagaan na nila ngayon ang requirements sa pag avail ng programa.

Kailangan lang umano na mag presinta ang mga magsasaka ng proof of ownership bilang katunayan na pag- aari nila ang sakahan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dati kasi aniya ay mahirap ang pag avail ng programa dahil sa napakaraming rekisitos na dapat i- comply.

Ayon kay Villamonte sa halos 9,000 magsasaka na dapat mag avail ng condonation program ay nasa 3, 150 lamang  o 40 %ang nakakapag avail.

Nasa 60 % pa umano ang hinahabol ng NIA kaya’t  nagsasagawa na rin sila ng mobile application sa mga lugar na maraming magsasaka na hindi pa nakakapag avail ng condonation.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nilinaw din ni Villamonte na bagamat naisabatas ang Free Irrigation Service Act noong 2018 ay hindi aniya nangangahulugan na malilibre na ang mga magsasaka sa kanilang bayarin bago pa ito naisabatas.

Ang tinutukoy ni Villamonte na saklaw ng condonation program ay ang utang na hindi nabayaran mula noong 1975 kung kalian nag umpisang maningil ang NIA hanggang noong 2018.

(Photos courtesy: NIA)