Blended learning ipapatupad ng DepEd ngayong araw para sa Teacher’s day celebration at BSKE

CAMARINES NORTE – Ipapatupad ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa elementary at secondary public schools kasama ang Alternative Learning System (ALS) ngayong araw, October 5 dahil sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day.

Ganitong modalities din ang ipapatupad  mula October 31 hanggang November 3 para naman sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 at sa pagunita ng Undas.

Ayon kay Division Information Officer Antonio Ahmad, ginawa ito upang  mapahintulutan ang mga guro na makiisa sa mga  aktibidad para sa World Teacher’s Day ngayong araw na gaganapin sa DepEd, Eco Athletic Field dito sa bayan ng Daet.

Ito rin  ay upang mabigyan ang mga guro ng sapat na panahon na makumpleto ang kanilang mga election-related duties para sa BSKE sa October 30, 2023.

Alinsunod umano ito sa inilabas na memorandum order ng kagawaran.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng Division Office ang mga guro na ihanda ang mga estudyante sa mga nabanggit na petsa upang hindi mabalam ang kanilang pag- aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *