Prinsipe ng Saudi, binigyan ng luxury car ang batang taga-hanga

Habang papalabas ng building ang Saudi Crown Prince na si Mohammed bin Salman Al Saud, nagaabang sa kanya ang mga taga hanga para makapag picture at batiin ito.

Isa sa mga nakaabang sa kanya ay isang batang lalaki na karga-karga ng kanyang ama.

Nang magkita ang dalawa, nagrequest itong makapag picture at nakita sa video na parang may ibinulong ito sa prinsipe.

Sabi ng bata na “I want mercedes…”

Ikinatuwa naman ito ng Saudi Crown Prince at agad na kinuha ang kanyang address para tuparin ang inaasam nito. Napa-sana all na lang ang netizens dahil sa isang iglap, nagkaroon ng luxury car ang bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *