DILG hinimok ang mga Barangay na hintayin muna ang ilalabas na guidelines para sa Barangay Assembly ngayong second semester

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na huwag munang mag- schedule ng Barangay Assembly ngayong buwan habang hinihintay ang ilalabas na final guidelines.

Ito ay upang hindi malagay sa alanganin ang mga incumbent Barangay Officials lalo ngayong nataon ito sa election period.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DILG Provincial Director Melody Relucio inihayag nito na bagamat pinapayagan ng Commission on Elections ang pagdaros ng Barangay Assembly ay mayroon naman itong tagubilin na hindi ito dapat magmistulang pangangampanya.

Aminado si Relucio na mahirap matiyak kung ang gagawing Barangay Assembly ay may halong pulitika o wala lalo na sa sitwasyon ngayon.

Sa ilalim ng panuntunan dalawang beses ginagawa sa isang taon ang Barangay Assembly.

Sa unang semester ay kadalasang ginagawa ito sa buwan ng Marso at Oktubre naman para sa ikalawang semester.

Gayunman kung hindi talaga ito magagawa ngayong buwan ay pwede rin naman daw na gawin ito sa Nobyembre.

Pinaalalahanan din muli ng opisyal ang mga incumbent Barangay Official na iwasan ang early campaigning.

Batay sa calendar of activities, magsisimula ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 19 hanggang 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *