Biyahe ng SORINTRAFED apektado ng weekend lockdown; iskedyul ng pasada, Lunes hanggang Biyernes lamang

SORSOGON CITY – Sa kabila ng pagiging exempted ng transport sector sa ipinatutupad na weekend lockdown sa lungsod, Lunes hanggang Biyernes lamang mamamasada ang mga jeepney ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED). 

Ito ang kinumpirma ni Ramon Dealca,  ang presidente ng grupo. Ayon dito, minabuti na nilang ganito ang maging iskedyul ng kanilang biyahe.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Dagdag pa ng opisyal, libre nga silang mamasada tuwing Sabado at Linggo subalit wala namang pasahero.

Aniya pa, sinubukan na rin kasi ng kanilang mga miyembro na mamasada sa panahon ng lockdown sa pagnanais  na kumita kahit kaunti subalit dahil wala namang pasahero ay nalugi lamang ang mga ito kung kaya hindi na umano sila umulit at pinili na lamang na gumarahe tuwing weekend lockdown.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Pangunahing mga ruta na apektado ng nasabing lockdown ay ang Sorsogon-Bulan, Sorsogon-Irosin, Sorsogon-Matnog, Sorsogon-Sta. Magdalena, Sorsogon-Cumadcad, Sorsogon-Gubat, Sorsogon-Bacon at Sawangga kung saan tinatayang mahigit 400 ang bilang ng nasabing mga Public Utility Jeepneys (PUJ’s).