2 elementary schools sa Cauayan City, pasok na sa final evaluation para sa pilot testing ng limited f2f class

Pasok na ang dalawang elementary schools sa Lunsod ng Cauayan para sa final evaluation at assessment ng pilot testing ng Limited face-to-face class.

Ito ang kinumpirma ni Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, mula sa ipinasang 10 na paaralan sa lunsod ay dalawa lamang dito ang pumasa sa first assessment kung saan kinabibilangan ito ng Villa Flor Elementarey School at Casap Fuera Elementary School.

Bagaman pasok na sa final evaluation ay maaari pa rin aniyang bumagsak ang mga ito dahil mahigpit umano ang monitoring at assessment tool ng isinasagawa ng DepEd kung saan isa sa kanilang guidelines ay ang kawalan ang COVID-19 positive case sa nasabing barangay sa loob ng 28 days.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ito rin umano ang naging dahilan nang hindi pagpasa ng walong school sa isinagawang first evaluation.

Dagdag pa ni SDS Gumaru, nagpapatuloy ang isinasagawang preparasyon ng dalawang paaralan kung saan kabilang dito ang pagkakaroon ng classroom proper set-up, triage, water facility at iba pang kabilang sa health protocols.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mahalaga rin aniya ang tamang koordinasyon sa magulang ng mga mag-aaral at barangay officials.

Samanatala, ayon pa kay Dr. Gumaru, nakamit umano ng Villa Flor at Casap Fuera elementary school ang maximum number ng mga mag-aaral kung saan sa kindergarten ay mayroong 12 lamang habang 16 na mag-aaral naman sa Grade 1,2 at 3.

Sa ngayon ay wala pang schedule nang pagbubukas ng limited face to face class ngunit tiniyak naman ni Dr. Gumaru na nakahanda na ang dalawang paaralan sa oras na pumasa ito sa final evaluation.