Biyahe ng ilang traditional jeepney sa Naga City, nilimitahan

NAGA CITY – Nilimitahan ang biyahe ng ilang traditional jeepney sa Naga City dahil sa jeepney modernization.

Ayon kay Maicheal Dula, Traditional Jeepney Driver ng Carolina Panicuason Transport Cooperative, nagbawas sila ng biyahe matapos na iprayoridad ang modern jeepney, na apektado ang kanilang kita. Sinabi naman ni Ryan Boncodin, isa pang driver ng kooperatiba, hindi patas kung tutuosin kaya lamang ang nasabing scheduling at paglimita sa biyahe ng traditional jeepney ay dumaan sa pag-uusap, kasunduan upang mabayaran ang hinuhulog-hulugang limang modern jeepney ng kooperatiba.

Sa panayam naman ng BNFM Naga kay City Councilor, Omar Buenafe, Committee on Transportation, sa ngayon wala pa silang kontrol sa kung ano ang magiging patakaran ng mga kooperatiba lalo na’t ang usapin ay nasa Cooperative Level pa, magkakaroon lamang ng pagbabago kung apektado na ang maraming driver at pasahero, ang anuman na desisyon ng mga kooperatiba ay nirerespito nila.

Sa pakikipag-usap naman kay Cherry Mae Araneta, pasahero at nagtatrabaho, taga Barangay Pacol, bagamat napaka-konbeniente ang sumakay sa modern jeepney, mas mabuti pa ring hindi kailangang mawala ang mga traditional jeepney para na rin sa kapakanan ng mga driver na naghahanap-buhay ng marangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *