19-anyos, sugatan sa aksidente; driver na tumakas, naharang sa Albay

Sugatan ang 19-anyos na dalaga sa aksidente na  nangyari sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Purok 6, Brgy Danlog, Pilar, Sorsogon.

Sa police report na nakalap ng Brigada News, hindi umano tumigil ang driver ng itim na pick-up matapos ang aksidente subalit naplakahan ito ng pinsan ng biktima.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Agad na humingi ng tulong ang PNP CPAC Putiao, Pilar sa Daraga MPS para matrack ang pick-up hanggang sa naharang ang nasabing sasakyan sa Polangui, Albay.

Ang biktima naman ay binigyan ng pangunang lunas ng rumespondeng personahe ng BFP-Pilar, Mercedes Sub Station at dinala sa district hospital ang biktima na nakilalang si Feolanale, residente ng nasabing barangay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa update na nakuha ng Brigada News sa hepe ng Pilar MPS na si PMaj Mark Anthony Ferwelo, nakaligtas umano sa asunto ang driver matapos na makipag-areglo ang pamilya ng 19-anyos na biktima.