Biyahe ng bus mula Maynila patungong Naga nagsimula na

NAGA CITY- Sinimulan na ang biyahe ng DLTB Bus mula Parañaque Integrated Terminal o PITX patungong Naga City Miyerkules ng gabi at dumating sa Bicol Central Station Huwebes ng umaga Hulyo 1, 2021.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Terminal Manager Nonoy Reforsado sinabing sa 35 na pasahero, 14 dito ang taga Naga. Sa Del Gallego Control Point sinasala muli ang mga residente ng lungsod bitbit ang mga hinihingi ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) tulad ng antigen test result o swab test result at inaabisuhan ang Barangay na may paparating upang masiguro ang home quarantine.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ang mga papunta naman sa ibang bayan sa Camarines Sur ay dumaan din sa screening ng Provincial Incident Management Team.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ang mga pasaherong ito pati driver ay sumunod din sa mga patakaran ng PITX at nasabing bus company. Ang bus ay may tatlong column, may dalawang aisle. 

Sa ngayon, isa pa lamang ang bumabiyahe kahit limang  ang naaprubahan ng LTFRB. Tinatapos pa ng apat na bus company ang kanilang requirements at kung makakapag comply 32 unit ang babiyahe Manila- Naga at vice versa.