Bishop Alarcon hinimok ang bawat isa na ingatan at pangalagaan ang pamilya

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang bawat isa na ingatan at pangalagaan ang pamilya lalo na ang mga kabataan.

Sa kaniyang homily sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Mag anak nitong Biyernes, Disyembre 30, sinabi ni Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, Episcopal Commission on Youth na mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga kabataan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, ang kinabukasan ng sangkatuhan ay dumadaan sa pamilya at ang bawat pagpapanibago ng simbahan at komunidad.

Bagamat marami umanong pagsubok ang dumarating sa buhay pamilya, sa pagpapalaki ng mga anak, kailangan umanong ingatan at alagaan ito.

Sa katunayan kahit umano ang Banal na Mag anak na si Jesus, Maria at Jose ay dumaan din sa matitinding pagsubok.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang Kapistahan ng Banal na Mag anak ay isang religious festival na ipinagdiriwang sa unang linggo pagkatapos ng Pasko.

Pero dahil nataong linggo ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon ngayong taon kung saan ipinagdiriwang naman ang Motherhood of Mary sa Enero 1 ay ginawa ang selebrasyon nitong Biyernes sa loob pa rin ng Christmas season.