CAMARINES NORTE- Nakahanda na ang Camarines Norte Provincial Hospital para sa posibleng pagdami ng mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon mamaya.
Ibinahagi sa Brigada News FM Daet ng Health Emergency Management Staff (HEMS) ng naturang ospital ang mga larawan ng mga naka -pack na kagamitan na posibleng gamitin mamaya.
Laman ng kahon- kahong naka- pack na instruments ay medical supplies para sa posibleng surge ng ney year’s trauma patients.
Hanggang alas 5: 30 ng umaga kanina ay nananatili sa isa ang firework related injury sa Camarines Norte na nadala sa CNPH.
Ito ay ang 13 anyos na binatilyo mula sa Barangay Gahonon sa Daet na nadisgrasya ng boga noong bisperas ng pasko.
Noong isang taon dalawang fireworks related injury ang naitala sa lalawigan dahil naman sa kwitis.
Samantala, inatasan naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Office ang mga Municipal Government Operations Officer ng labingdalawang bayan na magsumite ng report hinggil sa Aksyon Paputok Injury Reduction.
Hindi naman daw ang mga ito mismo ang direktang kukuha ng report pero dapat silang makipag ugnayan sa PNP, RHU, BFP at mga MDRRMO.
