LAKING GULAT ng may-ari ng isang refrigerator sa bansang Virginia, U.S.A. matapos matagpuan ang isang pirasong biscuit na ginawa pa noong 1940?
Kataka-taka kung bakit umabot sa 84 taong nakaimbak sa naturang ref ang naturang pagkain.
Kwento ng uploader na si Andy ng Staunton, nakita nila ang biscuit sa freezer ng kanilang Lola na sumakabilang-buhay na kamakailan lamang.
Matapos linisan ng kanilang pamilya ang bahay ng Lola, agad na tumambad sa kanila ang isang biscuit na may note pang: “Biscuit made by Mrs. Dara L Chambers in August 1940 at the Blankenship home.”
Palaisipan ng pamilya ni Andy, kung bakit hindi kinain ang naturang biscuit at mas pinili na lamang na itabi sa mahabang panahon.
Dahil dito, mas pinili na lamang na ilagay muli sa freezer ang naturang biscuit bilang pag-alala sa kanilang yumaong Lola. ### KENNETH BERMIL
IMAGE: Andy Wiseman/Reddit